Thursday, November 29, 2007

The Worst Pizza Experience

Nov. 22, 2007 (written in Filipino)

Nasunod din ang layaw ko: Pizza&Ice Cream ang pamblow-out sa akin ni Natz. Sa 25 kasi birthday niya.
After our Thursday class, may inasikaso pa ako for our softball team.
I joined Natz and Noel later sa Plaza Mayor...ako magtuturo kung nasaan ang Yellow Cab sa Lacson.
Pagdating doon, isang 10-inch. N.Y. Classic ang inorder ng b-day boy. Muntik nang makalimutan ang pistachio ice cream ko. Bumili na rin siya ng vanilla (sabi niya 'yon ang "the best" sa Yellow Cab) para paghatian nila ni Noel.
Solo ko 'yung pistachio. It tasted like bubblegum and I could feel the nuts in my mouth....weird...but still delectable.
And I also ate half the pizza. I didn't know why my stomach suddenly expanded to accomodate all the food inside. (naku Tag-Lish na pala "tinatayp" ko...)
Napagusapan rin namin ang tungkol sa upcoming date ni Natz sa isang babaeng nagngangalang......M.J.
Tinulungan namin siyang magplano...tigas ng ulo, sabi na'ng wag bracelet ibigay eh!
Bahala na...siya naman gagastos sa date eh.

Lagpas 2PM nang bumalik kami sa UST at nagpaalam na si Noel na papasok sa klase niya.
Kami naman ni Natz ay nagpunta sa Central Library Soc. Sci. Sec. para doon ako magreresearch at siya ay matutulog naman. (Natural nang bangag na tao si Natz)

Past 5PM
Nasa small garden kami malapit sa TARC (Thomas Aquinas Research Center) at hinihintay ko ang service kong Innova habang umiinom ng orange Slurpee nang dumating ang pulang sasakyan at ako'y nagpaalam na sa aking kaibigan.

Pagdating sa bahay...6 pcs. of uraro cookies and 2 pcs. of otap (atip sa Lucena) lang ang kinain ko, saka ako natulog.

3AM
I woke up with my stomach making ungol.
Then I started throwing up, puking, vomiting, regurgitating(??)

Oh no... nagrerebolusyon ang tiyan ko...
Overfed na daw kasi
Lahat ng ipasok kong pagkain sa bibig ko, inilalabas ng bibig at ng excretory system ko.
Sprite na lang ang tubig.
Nanghihina ako, disoriented, dehydrated...
Ito ang corporal punishment ng GLUTTONY.

Dinalaw ako ni Marc at nanood na lamang ng Memoirs of A Geisha.
At habang enjoy na enjoy siya sa pagkain ng fave kong spaghetti at fried chicken, ilang subo lang kinain ko...baka sakaling hindi na ito ilabas ng tiyan ko.
MORAL SUPPORT ang tawag doon.

Bumili si Ma ng gamot. Nakakaawa na kasi ako.
Yung isang Jumbo hotdog na kinain ko ng around 6:30AM eh nailabas(threw up) ko pa ng 1PM.
2 small tablets lang ang makakapagpagaling sa'kin.
Buscopan at......basta.

Moral Lesson: gluttony is a no-no kahit fave food mo pa ang nakahain...

parang yaw ko na kumain ng pizza ulit....hai...






Saturday, November 24, 2007

First Trip to Baguio

Nov. 1, 2007 Thursday
All Saint's Day

Most of us would visit their deceased loved ones on this day. Not our family. Our deceased were in Bataan and Bicol. So we went to Baguio. (????)
Our second-hand Hi-Lander was filled with food for the trip. At around 7:30AM, we left Meycauayan.

NLEX. Pampanga. Tarlac.Pangasinan...

We went to Our Lady of Manaog Shrine where we ate our packed lunch (fried chicken and cold rice) and bought really inexpensive bracelt and necklaces. I bought two necklaces for Marc and for myself. Mine was made of pink plastic flower beads. His was made of some sort of lustrous black metal beads. Both had crucifixes dangling from the necklaces.

La Union. Marcos Highway.

It was such a winding trip "up in the sky"!
The clouds seemed to caress the mountains.
Then after this long overpass at the side of the mountains, we finally saw a city civilization: Baguio.
So we drove on, not knowing where we were going...it was because it was OUR FIRST TIME TO ASCEND there. Mother had been there ONCE. And she wasn't familiar with the place. Father tried that steep narrow road down down...
I felt "It was wrong...."
Then my hunch was confirmed.
I saw that street sign: KENNON ROAD.
Oh God we were going back to Manila!
(False alarm: Going back to Manila via Kennon Road!)

We were able to go back to the heart of the city.
Father parked the Hi-Lander somewhere inside the Burnham Park. And we had a boat ride for only P100 (boat rentec for 40 min.+rower) at the 3-feet man-made lake.

Later, we checked in at the Ina Mansion Condo. 1st Floor. Unit 10.
It was claustrophobic. Kitchenette and dining area in one, a typical bathroom, a small T.V. area (just 1/4 of our living room at home), and three small bedrooms. Two had glass doors. I loved glass doors but not in this situation. I was spooked by those. I chose to be with my two sisters in one bedroom and sleep in a mattress on the floor than sleep on that room. My brother had that spooky room all for himself.
The water from the faucet was even colder than the water inside the ref!
And it was really cold...no electric fans or aircon.

FRIDAY
Itinerary:
Camp John Hay.
We were not able to ride horses.
The garden Amphitheater.
Nice garden THAT LOOKED LIKE AN AMPHITHEATER just beside the Bell House. Our voices boomed and echoed as my brother and I spoke inside the small pavillion at the heart of the garden. We were also the first visitors of the Bell House, the house of the American generals who took vacations in Baguio.
Outside we saw the wooden Totem Pole carved with the heads of important American officers during the American Occupation in the Philippines.
We trekked down and up the History Trail and saw the Secret Garden.
We also loved reading the tombstones at the Cemetery of Negativism.
An example of those was this (It's WHAT was REALLY WRITTEN THERE)

Its Not Pessible
Still Not Born

Mine View Park. A scenic view of the mountains!
Picture taking with a large St. Benard.
Bought my longest dangling earrings ever.
Bought jars of strawberry preserves and lots of brooms.

WE saw The Mansion and parked beside the Wright Park. Kuya took a picture of The Mansion and of the long pool-like fountain beside the Wright Park.
I bought cheaper earrings out of pity to the vendor girl.

Lunh at the aircon-less SM City Baguio.
Ate at Greenwich.
Watched Hide and Seek at the third floor.
Panoramic scenery when viewed from the mall's veranda/balcony.
I was curious about the umbrella-like roofing of the mall. It was out of the ordinary.
Too tired to dine outside the condo.
SATURDAY

Morning: Bought mini-roses and poinsettia at Burnham's Orchidarium.
Unable to buy inexpensive silver.....

LATE MORNING: WE started to descend via Marcos H-way. again... I saw the Naguillan Road. Took a long less traveled road to avoid traffic. "Raced" with new branded vehicles at NLEX, trash-talking about their slowness. Reached home at 4PM.

Thursday, November 22, 2007

"Inday...Deal or No Deal???!!!!" (from Danella Louise)

Nasali si Inday sa Deal or No Deal
Kris: Magandang gabi mga kapamilya, sa gameshow na ito importante ang sagot sa nag-iisang katanungang Deal or no Deal. Ang ating player ngayong gabi ay walang iba kundi ang fastest-rising household services manager na si Inday!
[umentra si Inday at nagpalakpakan ang mga tao]
Kris: Ok Inday, choose a briefcase.
Inday: Kris, I would opt for case #4 please.
Kris: Briefcase # 4... si Sharmel. Inday, matanong ko lang, how did you come up with the number 4?
Inday: Oh, do you really want to know Kris?
Kris: Oo naman. I'm sure kaya ko naman maintindihan yung sasabihin mo eh.
Inday: The number 4 was acquired based on a probability distribution function that involves integrating up to an area greater than or equal to that random number which should be generated between 0 and 1 for proper distributions.
Kris: Syet. tanong tanong pa kasi eh.
Kris: Ok Inday, choose 6 briefcases to open.
Inday: I would opt for 7, 24, 12, 2, 15 and 20.
Kris: Wait lang Inday, usually isa isa lang ang pagbubukas natin ng case...
Inday: Why is that? As if I can change the outcome if we're to open a case each time I blurt out a number as opposed to opening each case immediately one after the other right?
Kris: Hayyy...babaguhin pa talaga mechanics (bulong sa sarili).
Kris: Anwyay, di bale na lang nga... tuloy tayo. Number 7. Natalie buksan na!!
[Yung audience sumisigaw ng LOWER!! LOWER!!!]
Kris: Teka lang, bago natin buksan... Inday, usually ang mga contestants naten ay sumisigaw ng "LOWER" every time magbubukas ng case.
Inday: Kris, I guess that's not the way I was taught in grade school. You see, I was taught that we should only use the comparative form of the word or add "ER" to the adjective if we are comparing two things. And since itis only the first briefcase that we are going to open, we have nothing to compare it to. Am I right?
[natahimik ang audience at napaisip]
Kris: Oo nga no!
Kris: Sige Natalie, Buksan mo na.
[Ang laman ng briefcase 7 ay Piso... Palakpakan ang mga tao]
Kris: Good start! Ano yung next case mo ulit?
Inday: Case number 24 please.
Kris: Chloe... buksan na...
[Audience sumisigaw ulit ng LOWER!! LOWER!!]
Kris: Wait lang guys, Inday may nabuksan ng case baket di ka pa rin sumisigaw ng "Lower"?Inday: Oh my goodness Kris, how long have you been doing this? Have youe ver encountered a value that is lower than a peso in this game? Tell me,is there any value left lower than the one we just opened? Sheesh.
[Napaisip ulit ang audience at natahimik]
Kris: Aarrgghh!!!! Chloe buksan na lang nga, pati na rin yung 12, 2, 15 and 20 buksan na rin para matapos na. [naiirita na]
[At sunod sunod na ngang nabukas ang mga case ni Inday]
[nag-ring ang phone]
Inday: Ahh Kris, to save more time can you tell Banker that I'm not interested in his first offer. In the history of this game of chance, I have yet to see someone accept a first offer from the banker. It's quite pathetic and pretentious for contestants to pause and look around the audience as if asking for advice before ultimately rejecting the first offer. I mean come on, isn't that a waste of airtime?
Banker: Potahhh!!! [narinig sa set kahit sarado ang kwarto ni banker]
-Ito ang unang pagkakataon na marinig ng mga audience ang boses ni Banker sa Deal or no Deal.... dumating na sa kalagitnaan ng show at mukhang minamalas na si Inday...
Kris: Ok Inday, mukhang kelangan na natin ng tulong sa mga friends mo...sino ba yung bigotilyong lalaki na naka-polo? Ano name nya?
Inday: Ahh, that's my master Mr. Montemayor.
Kris: Ahhh siya pala yun, how cute naman pala eh. Sige sir, give us anumber.
Mr. Montemayor: Hi Kris, good evening. I'm a fan. I choose number 12 please.
Kris: Ano Inday ok ba yung number 12?
Inday: Whatever, we shouldn't bite the hand that feeds us anyway. Go ahead.
Kris: [taray naman] Sofie, buksan na!
[ang laman ng briefcase 12 ay 5,000]
Kris: Good job! Sino naman yung gwapong lalake na naka jumper na katabi ni
Mr. Montemayor? What's his name?
Inday: Ahh, that's my on again off again boyfriend, Dodong the gardener.
Kris: Ooohh, sya pala yun. Ok Dodong, give us a number!
Dodong: Hi babes, I choose briefcase 9 if it's ok with you. If not, it's ok with me as long as it's ok with you.
Kris: Ano raw? Inday, number 9 daw ok say0?
Inday: Yes Kris, it's fine with me.
Kris: Wow ang bait pag kay Dodong. Ederlyn... buksan na!!!
nanlaki ang mga mata ni Inday at hindi sya makapaniwala. Natahimik at mukhang kakapusin sya ng hininga...
Inday: YOU!!! How dare you invade my moment![nagulat si Kris at ang mga audience sa reaksyon ni Inday. Nagpatawag si Kris ng commercial break at nagpakuha ng tubig para kay Inday.]
Nagkatitigan sina Inday at Ederlyn. Nakangisi si Ederlyn habang hawak ang briefcase ni Inday.
Ederlyn: Pinapangako ko, Inday... pagbukas luluhod ang mga tala!hahahahaha!
Inday: What? Can you speak up? What are you mumbling up there. Can somebody give her a microphone please?
Kris: Ano ba!! Tama na nga ang drama ninyo, Ederlyn buksan mo na ang case at umexit ka na kung ayaw mong mapalitan! (naiirita na si Kris)
Dali-daling binuksan ni Ederlyn ang briefcase at ang laman ay...P3,000,000.
Nanghinayang ang mga audience... Ang mga natirang values ay 250, 1K, 20K,50K, and 500K.
Inday: NooOoo.... (sabay tingin kay Dodong at napapaluha), how could you...
Dodong: I'm so sorry Inday, please forgive me.
Kris: Hayyy, drama again. Ang offer ni banker sa pagbabalik ng Kapamilya,Deal.. or No Deal!
[pagtapos ng commercial break... mukhang composed na ulit si Inday]
Kris: Inday, are you okay? Ang offer ni banker ay 99 thousand pesos. 'Singrami siguro ng
Pilipinong pinadugo mo na ilong. Is it a Deal or No Deal?
Tahimik lang si Inday tilang may kinocompute sa ulo habang ang mga audience ay nagsisigawan ng "No Deal", ang iba naman ay "Deal".
Kris: Wait lang, kung mapapansin ninyo we have only have 5 cases left, and among those 5, apat doon ay mas maliit na value...
Inday: Kris, do you mind? Can I do my own thinking?
Natameme si Kris, pati ang audience ay natahimik.
Kris: Taray to the max! (pabulong sa sarili)
Inday: Ok, I'm ready. Upon looking at the reality of the situation, 80% ofthe cases left have at least 49K less than the banker's offer. The only wayI can do better than what is offered is that if my case contains the 500kor I'd get to open one of the four lower values. But I have to keep in mindthat there's only 20% probability that this would happen. I have to takenote, however, that the banker's offer is roughly around 15% lower than theoffer I expected based on the arithmetic mean of the values left.
Kris: Lorddd... panaginip ba 'to? Ayokonaaa....
Inday: Accepting a deal for less than the mean should generally be regarded as a weak decision so I would say, NO DEAL!
Limang briefcase na lang ang natitira at kasama na doon ang case ni Inday...
Kris: My God, nakaka-stress itong episode na ito ha. Baka dumugo na rin ang ilong ko sa'yo Inday. Sige Inday, go ahead and choose 1 briefcase!
Inday: Ok Kris, I choose briefcase #5 please?
Kris: Briefcase #5! Mimi bago mo buksan yan I would first like to thank Figliarina by Schubizz for my sandals, Bambi Fuentes for my hair and make-up and Pepsi Herrera for my gown tonight.
Kris: Ok Mimi, buk...
Inday: Ahh Kris, can I also take time to thank a few people? I mean, I did save us a few minutes of airtime right?
Kris: ("kapal naman talaga ng mukha"...bulong sa sarili) Sige, ok lang go ahead. (naka-smile pa rin)
Inday: Thanks! Yes, I would like to thank Frank Provost for my hair and make-up, Jimmy Choo for my sandals and my dear friend Oscar dela Renta for my gown tonight.
BLAG!! Tinumba ni Kris ang podium at nagwalk-out. Hindi na natapos ang show kaya't binigyan na lang ni Banker si Inday ng kalahating milyon para sa kanyang oras.
Inday: Oh, and thanks to the people of Cartier for sending me these nice earrings for tonight!
[Ito ang isa sa mga un-aired episode ng Kapamilya, Deal or No Deal]

Tuesday, November 20, 2007

My IrreGuLaR LiFe

Mon. and Fri.
7AM English101B with petite Ma'am Ocampo.
It's either "nothing to do" or "too many to do".
8AM Break aka "Evade Trigo".
One and only place to go: Mang Toots Carinderia in P. Noval.
Every MWF, it's as if Nats and I are the one who "open" the store at 8AM and "close" it at past 2PM.
9AM Fil2 with feisty and loquacious Ma'am Vergara.
Spending a considerable part of the period listening to her stories and comments in everything.
10AM Break of our regular classmates.
My Special Class in Math101 Algebra.
Meet the Math Dept. Head Ma'am Bagarino.
Rico Nilo: Kung si Ma'am Benjamin mabilis magturo, siya naman, naiiintindihan na nga't lahat, uulitin pa.
11AM PhiST: Phil. History with Ma'am P. Castro
"I 'tot' I 'toh' a 'puttycat'!" the fave expression.
12PM Phl2 Logic with Sir Diamante
The Class of Dumbfound Queries.
The Unanswerable:
"Can you see a circle?"
"What I know is that I know nothing." - Socrates
"Why there is something rather than nothing?"
"Can the consciousness capture being?"
"Is there a God?"
"God is 'that than which nothing greater can be conceived or thought'. Now translate it to Filipino."
1PM Thy2 Theology2: Church and Sacraments and Ma'am Ong's Fave Religion, Buddhism
2o min. spent on attendance alone.
2PM Banana Rhum-a at Mang Toot in P.Noval.
Tue&Thu
7AM Biopsychology with Sir Budji, and his dreaded and feared eraser and bell tandem.
8:30AM Theories of Learning by Ma'am Pacquing
Report report... Last group to report!!!!! ;p
10AM Human Development by Sir Gonzaga M.D.; M.A.; Ph.D.; D.O.M.
(D.O.M. -Doctor of Medicine, thought it is something else)
Later report report.... 2nd to the last to report: Late adulthood ;D
11:30AM Mang Toots' place jampacked.
Wed.
Additional sched:
WSB11 3-5PM
Women's Softball
Team 1: Yellow Team
Science:
Lyka, Anna, Carla, Bogs, Arrianne
Education:
Ruthie, Alek, Andrea, Charmaine
Commerce:
Jenna, Claudette
Nursing:
Alyssa
Just remembered that Pocari Sweat drink....better than Gatorade. "Buy now!"
This is just a glimpse of my second semester...... hope I last.

Wednesday, November 14, 2007

Irregular p.1

Oct. 25, 2007 Tue. UST Seminary Gym

Karamihan ay papuntang Seminary Gym, maaaring takot dahil baka manakaw ang pang-tuition nila. Yung iba, maagang-maaga para lang makuha ang inaasam-asam nilang PE sched. Tumatagaktak ang pawis habang nakapila. Naghahalo ang mabango at mabaho. Lahat gusto nang makapasok sa air-conditioned na gym. Encoding. Assessment of Payment. Tatak diyan, tatak doon. Bayad ng tuition. Ayun, tapos ang kalbaryo.

Sila ang mga regular students…ang mga pinagpalang nakapasa…nakasurvive sa 5 buwan ng paghihirap…nariyan ang mga “aswang”, mga “halimaw”, mga future Dean’s Lister, mga masisipag, at ang mga taong sadyang maswerte sa buhay-kolehiyo. Iisa lang ang masasabi ko. Nakakainggit sila.

Oct. 25, 2007 Tue. UST Main Bldg. 3rd Fl.

8:30 pa lang, mahaba-haba na ang pila sa tapat ng Psychology Dept. Hindi naman nagkakaproblema sa pawis at putok pero nalulukot na ang hawak-hawak na clearance at Preenrollment Form. Lahat nagdadaldalan...nagmumuni-muni:

“Ano binagsak mo???”
…”
“Pareho pala tayo!”
“Ano’ng sched natin?”
“Oi, sabi ni ganito wala nang slot sa P.E. na ganyan!”
“Hala nauubusan na tayo ng magagandang P.E.!”
“Mas madali raw ang Math sa ganitong college/faculty/institute…”
“Pa’no kaya magcross-enroll?”
“Hala ikaw na mauna!”

Pagpasok sa Psych. Dept., hindi si Sir Budji ang makakaharap namin kundi si Sir Ryan.
Basta may pinili ka nang schedule, pipirmahan niya lang ito. Tatatakan. Sasabihing “Bio” kahit na ang binagsak mo ay “A-L-G-E-B-R-A”. Umikot kami sa 3rd. Floor.

May prusisyon sa may Bio-Dept.

Sunud-sunuran naman kami. Nakihalo sa grupo ng mga namomoblema sa Zoology, Biology atbp. basta related sa living things.
S’yempre napagtanto naming nagsasayang kami ng oras sa maling pila kaya kami ay lumipat sa Math&Physics Dept.

Mas malala ang pila sa Math Dept.

Usad pagong. Ilang oras na kaming nakatayo, nakaluhod, nakaupo, ni hindi ata kami natinag sa aming mga pwesto. Nakapag-enroll na ang mga blockmates nami’t lahat, hindi pa rin kami umuusad. Sila Hoseine, Therese at Luigi, na kanina’y kasama naming sa pila sa Psych. Dept. ay nakaikot na sa USTe at nakapagcross enroll na sa CFAD para sa Fil 1 (diyata’t may iniiwasang “sumpa”…na isang sumpa naman talaga), ngunit kami ay hindi pa rin umuusad. Nakakapagtakang biglang dumami ang mga nakapila sa harap noong malapit nang magtanghali. Mga dalawang oras kaming naghintay, tumambay, parang mga pulubi na nililinis ang sahig. Ngunit kung kailan abot-tanaw na ng aming grupo ang pintuan ay saka naman sumungaw sa pintuan ang isang mukha… nagbabadya.

“We will resume at 1 o’clock.”

Nagrebolusyon ang aming mga tiyan.

Nakiusap ako kay Natz na bilhan ako ng makakain. Pagkaraan ng sampung taon ay dala-dala na niya ang McDo burger-fries-coke meal at ibinigay na ang aking sukli. Nagtaka ako sa upsized coke at fries ko. Ginamit pala niya ang PsychSoc Membership Card. Ngunit hindi naman siya bumili ng pagkain para sa sarili niya.

Kumuha rin ng fries sina Lyka. Nang kumagat naman siya sa Regular Burger ko, nasabi niyang “Mmmmm….sarap!”
Iyon din nasa isip ko: Gutom pa ako…at ang burger na inookray-okray ko dahil sa presyo at burger patty nito ay masarap sa pagkakataong iyon.

Pag gutom ka nga naman, kahit ano’ng makain mo, masarap.

Nakita ito nina Bogs at Bryan, na kani-kanina lamang ay naglalaro ng Spin-the-Bottle. Sila ang nagtatanong sabay tapat ng bote sa sarili nila para sila pa rin ang sasagot.
“Sino’ng pinakaayaw mong teacher?”
“Si ____________!”
“Pero di ba magkasundo kayo n’un?!?”
“Dati ‘yun! Bittersweet memories.”
Bumili na rin sila ng McDo. Naiwan kami nina Anna at Natz sa sahig.
May listahan na ipinapasa-pasa sa amin. Unang sinulat ni Natz ang pangalan ko.
Sumunod si Anna, at inilista na niya ang lahat ng naaalala niyang kasama namin.
Dumating na rin ang dalawa.

Mukha nang picnic area ang corridor na dati’y parang haunted sa konti ng mag-aaral.

“Available for all” ang fries nila bogs at Bryan. Kahit si Lyka, kain ng kain. Naubos na kasi ang malaking Chips Delight/Ahoy niya.

Pagkatapos ng matagal-tagal pang paghihintay, lumabas ang nangagasiwa sa scheduling ng Algebra special classes at pinapunta kami sa isang klasrum para maayos na ang lahat. Doon lamang naming nalaman na hindi pala naming nailista si Tedlos!
Patay. Baka mahiwalay siya.

Subject: Algebra
Code: Math101
Section: BIOSP1
Time: 10-11AM

Home Section: 1PSY-1
Chua
Duran
Estonina
Rabang
Santos
Tracena
Peralta
Rosales
Tedlos

Kami ang mga irreg sa Algebra.
Irreg din sina Hoseine, Therese Soriano, at Luigi.
Probationary irregular students na sina Guillan, Kat at Nats.
De-bar na si Jash. (5 subjects ang naibagsak niya.)
Sa wakes may special classes na kaming lahat maliban na lang kina Nats.
Nawala na ang isa.

Sa nakikita ko ngayon….

IRREG = HASSLE + WASTED TIME + MORE EXPENSES

Hassle…dumalas pagpunta ko UST dahil dito.
Lalo naman kung nagcross-enroll pa ako.
Wasted time… hanggang summer ba naman, mag-aaral ako?!?
More expenses…another bayarin, summer na nga, namamasahe pa ako mula Bulacan.
Kahit kunin ko na lang ang Trigo ko sa pinakamalapit na kolehiyo dito, gastos pa rin sa tuition.

Bukod pa ang mga ito sa paminsan-minsang pag-alis sa klasrum dahil sa special class mo sa ibang room o ibang building.
Bukod pa sa hindi ka siguradong lagi-lagi mong makakasama ang mga kaibigan at ka-blockmate mo.
Bukod pa sa hindi masasabing laging BUO ang block niyo.

MAHIRAP MA"IRREG".
Kaya kung kaya mong ipasa lahat ng subjects mo, gawin mo.
Kahit kulut-kulot ang lahat ng grades mo, mas maganda na ‘yun… kaysa naman may singko kahit matataas ka sa iba.
It only struck me now.
Walang kwenta ang puro line of 1 or 2 kung may 5.

“Hindi maisasalba ng uno ang singko.”