Thursday, November 29, 2007

The Worst Pizza Experience

Nov. 22, 2007 (written in Filipino)

Nasunod din ang layaw ko: Pizza&Ice Cream ang pamblow-out sa akin ni Natz. Sa 25 kasi birthday niya.
After our Thursday class, may inasikaso pa ako for our softball team.
I joined Natz and Noel later sa Plaza Mayor...ako magtuturo kung nasaan ang Yellow Cab sa Lacson.
Pagdating doon, isang 10-inch. N.Y. Classic ang inorder ng b-day boy. Muntik nang makalimutan ang pistachio ice cream ko. Bumili na rin siya ng vanilla (sabi niya 'yon ang "the best" sa Yellow Cab) para paghatian nila ni Noel.
Solo ko 'yung pistachio. It tasted like bubblegum and I could feel the nuts in my mouth....weird...but still delectable.
And I also ate half the pizza. I didn't know why my stomach suddenly expanded to accomodate all the food inside. (naku Tag-Lish na pala "tinatayp" ko...)
Napagusapan rin namin ang tungkol sa upcoming date ni Natz sa isang babaeng nagngangalang......M.J.
Tinulungan namin siyang magplano...tigas ng ulo, sabi na'ng wag bracelet ibigay eh!
Bahala na...siya naman gagastos sa date eh.

Lagpas 2PM nang bumalik kami sa UST at nagpaalam na si Noel na papasok sa klase niya.
Kami naman ni Natz ay nagpunta sa Central Library Soc. Sci. Sec. para doon ako magreresearch at siya ay matutulog naman. (Natural nang bangag na tao si Natz)

Past 5PM
Nasa small garden kami malapit sa TARC (Thomas Aquinas Research Center) at hinihintay ko ang service kong Innova habang umiinom ng orange Slurpee nang dumating ang pulang sasakyan at ako'y nagpaalam na sa aking kaibigan.

Pagdating sa bahay...6 pcs. of uraro cookies and 2 pcs. of otap (atip sa Lucena) lang ang kinain ko, saka ako natulog.

3AM
I woke up with my stomach making ungol.
Then I started throwing up, puking, vomiting, regurgitating(??)

Oh no... nagrerebolusyon ang tiyan ko...
Overfed na daw kasi
Lahat ng ipasok kong pagkain sa bibig ko, inilalabas ng bibig at ng excretory system ko.
Sprite na lang ang tubig.
Nanghihina ako, disoriented, dehydrated...
Ito ang corporal punishment ng GLUTTONY.

Dinalaw ako ni Marc at nanood na lamang ng Memoirs of A Geisha.
At habang enjoy na enjoy siya sa pagkain ng fave kong spaghetti at fried chicken, ilang subo lang kinain ko...baka sakaling hindi na ito ilabas ng tiyan ko.
MORAL SUPPORT ang tawag doon.

Bumili si Ma ng gamot. Nakakaawa na kasi ako.
Yung isang Jumbo hotdog na kinain ko ng around 6:30AM eh nailabas(threw up) ko pa ng 1PM.
2 small tablets lang ang makakapagpagaling sa'kin.
Buscopan at......basta.

Moral Lesson: gluttony is a no-no kahit fave food mo pa ang nakahain...

parang yaw ko na kumain ng pizza ulit....hai...






No comments: