Monday, February 11, 2008

1Psy-1 Clique-ster

Kung sa 1P1 2007-2008 ay napapabilang ka, kapansin-pansin ang mga grupo-grupo na bumubuo nito. Makikita mo na maaaring member ka ng ISANG grupo lamang, napapabilang sa dalawa o higit pa, o tsugi ka pala (hindi mo pa alam). Masasabing ang bawat clique ay may mga katangiang naiiba sa iba pang mga clique. Ang clique ang barkada mo, cheatmates mo, sources mo, atbp. Kaya mahirap talaga pag wala kang ka-clique sa P1...

Coz pag wala kang clique sa P1-----OUT KA!
(terrible, indeed...)

HALIMAWS aka The Cum Laudes
Can't remember na kung bakit ito ang unang tinawag sa kanila.
In fact... mga D.L. wannabes sila.
Mga future cum laude...
In fact may D.L. na sa amin.
Sila and mga taong matatalino pero hindi nerd
Tahimik pero matinik
Sila ang mga taong nagkukunwari pang hirap daw sa subject
pero ang mga grades ay niruruler na lang (puro uno eh).
Para sa ibang P1, sila ang mga sumalo ng bukas-palad (Oblation-style ba ito???) sa karunungang isinabog ng Maykapal.
Kahit sa exams ay mukhang cool pa rin sila.

F4
Pasyensya na...wala akong maisip na pwedeng itawag sa kanila eh....
Bakit F4????
Kasi apat sila.
At nakakatuwa na kasama nila ang isang future D.L.
At ang tatlong ito ay talagang mga lalaki ang kilos...
Pala-DOTA, nag-iinuman on special occasions, etc.
At least naman hindi sila irreg noh....

The ELITE
Sila ang mga mayayaman.
Mga mahilig sa party at out of town vacations.
May sariling kotse ang mga lalaki, kung hindi man marunong mag-drive.
Kumakain sa Ice Monster at HotShots ng USTe.
Isa sa kanila may iPhone pa (mukha kaming mga tagabundok na di marunong mag-Snake sa keypad-less iPhone na 'yan, haha!)
Marami sa kanila ang irreg ngayon gaya ko(Math kasi eh...)

The Gurlz
Malaki-laking grupo ito ng mga girls sa amin na masasabi nating typical Filipina teenagers.
Hindi masyado kikay,
masayahin, palapasyal,
nagdadamayan pati sa pangongopya ng assign. at paggawa ng project.
Sila ang mga down-to-earth na mga tao sa section namin.
Average ang grades but at least halos lahat sila regular students.

The MOST PROMINENT GROUP
Sila ang pinakainfluencial
pinakaboisterous
pinakahyperactive group sa P1
The largest group din ito kasi almost all members ng Cum Laudes and the Elites ay identified din sa group na ito
Mahahaba ang galamay nila.
Very clannish.
At talagang pag P1, sila ang mapapansin kaagad.


And it is really showing na clannish and "clique-ish" ang 1Psy-1 2007-2008.

No comments: